Monday, September 26, 2011

APECO, STAKEHOLDERS PLEDGE SUPPORT FOR DUMAGATS OF AURORA


The Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority (APECO) hosted the 1st Dumagat Center Needs and Assessment Consultation on September 16 to 17.
Dumagat chieftains and about 200 other Dumagats participated in the consultation held in coordination with the Department of Labor and Employment, Department Trade and Industry, Department of Education, National Museum and the Aurora State College of Technology and local government units.
                Robbie Mathay, President of APECO, explained the purpose the meeting. “We are here to fulfill our duties to promote the socio-cultural development of the Dumagats in Aurora. We commit to uphold the partnership between APECO, the National Commission for Indigenous Peoples and the Dumagat community.”
He continued, “APECO hopes to empower the Dumagat community in exercising their right to self-governance and cultural integrity, and to help them preserve and promote their heritage.”
Mathay stressed that APECO  is committed to hearing out the needs and considering the concerns of the Dumagat community.
“The success of APECO and the progress of Aurora cannot happen without cooperation and unity,” said Mathay. (30)


Dumagat Center Needs and Assessment Consultation Banner


Local government officials signing the pledge

Dumagat Chieftain presenting their 5-year vision plan 

Government officials, Dumagat chieftains, APECO offficials and ComRel officers


ANGARA SUES PALAFOX FOR DEFAMATION


Senator Edgardo J. Angara has filed a libel suit against high-profile architect Felino Palafox Jr., who Angara said has been waging a “willful, wanton, reckless and malevolent campaign” to damage his reputation as a public servant.

Angara, in his suit filed on Monday (September 19) at the Pasay Regional Trial Court, also said that Palafox’s habit and pattern of defaming others who does not do his bidding—and destroying the reputation of people just to serve his personal motives and agenda—should be stopped.

Palafox was served the summons today.

The case asks Palafox to pay at least P61 million in total damages, consisting of P40 million in moral damages, P15 million in exemplary damages, a minimum of P6 million in litigation expenses and the costs of suit.

The libel case attached a document purportedly sent by the Coalition Against Corruption (CAC) to President Aquino on July 7, 2011, marked “Private and Confidential.”

The letter alleged that Angara pressured then Department of Tourism Secretary Alberto Lim to make Palafox Associates, the architectural firm of Palafox, a loser in the bidding for the Tourism Master Plan of the Philippines. The letter said Angara threatened Lim’s confirmation as DOT secretary should Palafox win the bidding.

Based on a the purported letter, Lim “tweaked the scores” to make Palafox Associates a loser, then awarded the bidding to former DOT Secretary Narzalina Lim. The letter claimed that the two Lims were friends, and the friendship was known to local and international watchdog groups.

That letter, principally attacking Angara for allegedly getting kickbacks for contracts and from investors at the Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority (APECO), also went on an accusation spree, accusing many mayors and other top government officials of various acts of corruption.

Angara said the letter purportedly from the Coalition came from Palafox himself and it was all “falsehoods and pure fabrications.”

“The letter has the stink of Palafox’s ruse all over it,” said Angara.

Angara said that Palafox has been using his position as president of the Management Association of the Philippines (MAP) to convince the other members of the CAC—of which MAP is a member—to sign the letter that accused Angara and many others of corruption.

They have refused. Current CAC head David Balangue has asked Palafox not to involve the MAP on matters that concern him personally.

Angara said that personal motive has been driving Palafox’s efforts to malign and defame him.

The APECO, which was created by a law authored by Angara and based in his home province of Aurora, earlier fired Palafox Associates as master planner.

The dismissal of Palafox Associates came after the designs it prepared were evaluated then rejected by the Philippine Ports Authority (PPA) and the Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), which found them unusable and flawed.

The designs, if followed, would have posed grave dangers to the operations of the seaport and the airport, said the two agencies.

Subsequently, the Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) ruled that Palafox failed to deliver his contractual obligations to APECO and yet improperly collected P32 million for his sloppy services.

APECO dismissed the services of Palafox Associates after the evaluation, then asked for a refund of the fees Palafox had collected for the unusable design.

Since the dismissal of his firm from the APECO work, Palafox “takes every opportunity to defame Angara with actual malice and falsehoods,” according to the case.

The case against Palafox cited cases of  “similar wrongful and reckless acts of defamation” carried out by Palafox when his s architectural firm failed to win a public bidding.

After failing to win the bid for the preparation of the Subic Bay Freeport Comprehensive Master Plan Project, Palafox accused the bidding and awards committee of the Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) of trying to extort from Palafox Associates. The SBMA filed a libel charged against him.

Palafox earlier accused former Senator Richard Gordon of protectionism and corruption, for which he was forced to issue a public apology to Gordon.

In May 2011, the APECO asked the Board of Architecture and Board of Environmental Planning both under the Professional Regulation Commission (PRC) to suspend the license of Palafox.

APECO has asked the two bodies to fast-track the hearing on the cases against Palafox. (30)

CONDUCT PERFORMANCE AUDIT OF ACEF NOW - ANGARA


Senator Edgardo J. Angara challenged the Department of Agriculture and the Senate Oversight Committee on Agriculture to conduct a full and fair audit of the P10 billion Agricultural Competitiveness Enhancement Fund (ACEF).

Angara, author of the law establishing ACEF, took exception to reports singling him out as a beneficiary of the funds, having allegedly benefited from irregularities in the fund's utilization.

"I call for--and welcome--a performance audit of the ACEF. They should publish all the names of the beneficiaries of ACEF, from day one to present, whether individuals, corporations, provinces or universities,” said Angara, a former secretary of Agriculture. “It should be very easy to trace where the money went and how it was used. I see no reason not to publish this information, unless there really are ghost beneficiaries.”

Angara's home province of Aurora received a total of P300 million from the ACEF—P100 million for the Aurora State College of Technology's (ASCOT) Enhancement of Technology-Based Agribusiness Industry in 2007, and P200 million for the Baler-Casiguran Road in 2008.

ASCOT has been bolstering programs in fisheries, agriculture and forestry, hiring experts and even training farmers and fishermen in the local community.

The Baler-Casiguran road has significantly improved the travel time from Manila to Baler, cutting it from nine hours to five.

Both projects are eligible under the implementing guidelines on the utilization of the fund issued by the Department of Agriculture. Eligible projects include irrigation, farm to market roads, agri-based production, post-production and processing activities, post-harvest equipment and facilities, and training and extension services.

ACEF was enacted through Section 8 of Republic Act 8178 in 1996. The ACEF was created to give funding assistance to farmers, fishermen and entrepreneurs.

“Just because I am a native of Aurora does not mean I made a profit from ACEF,” retorted the veteran lawmaker. “Aurora is just one of many provinces that benefitted from ACEF."

He expressed confidence that the funds allotted for the Aurora projects were channeled to the right beneficiaries and properly spent.

“We have results and outcomes to prove that the money was well-spent. There is nothing to hide,” said Angara, inviting the Department of Agriculture and the Commission on Audit to visit Aurora and see for themselves.

"Let us conduct an honest-to-goodness performance audit of ACEF to resolve the controversy once and for all, instead of resorting to useless and damaging labeling that characterizes the ACEF as worse than the fertilizer scam. It is irresponsible to single me out and impute irregularities without proof. Do not turn this into a witch-hunt." (30)

Thursday, September 22, 2011

ANGARA ON APECO AND ACEF

SEN. EDGARDO J. ANGARA (SEJA) ON DWIZ (SEPTEMBER 21, 2011)

SEJA: Outcome nung grant for loan na binigay ng ACEF dahil ako ang author nyan eh. ________ ko ‘yan way back in the 90s para nga maimprove ang agrikultura  natin at iyan ay talagang originally intended as a grant…
DWIZ: Ah pautang…
SEJA: hindi pautang yan para
DWIZ: A grant talaga.
SEJA: para matulungan yung kooperatiba ng farmer, fishermen at mga bagong entrepreneur na may magandang proyekto na pwedeng ipagbili domestically at internationally…ganyan ang konsepto nyan
DWIZ: Ang sinasabi po Senator Angara may mga nadiskubre daw po na mga irregularities sa paggamit ng ACEF fund kaya daw po to ay pinasuspinde muna. At ito daw ay worst than the fertilizer scam.
SEJA: Ay, bakit nga hindi nila i-publish yung lahat ng beneficiary.
DWIZ: Opo
SEJA: Tunay na mga tao naman yah eh. Unless talagang may ghost beneficiary. Talagang…at least makikita natin hindi ba?
DWIZ: Opo, opo.
SEJA: Pangalawa, bukod sa identity ng mga beneficiary kung saan nila dinala yung grant for loan na binigay sa kanila ng ACEF Commission.
DWIZ: Hmm…pero aminado po kayo Senator Angara na yung inyo pong inyong lalawigan, na itong probinsya ng Aurora ay nakatanggap po ng 300 million mula po dun sa ACEF Fund?
SEJA: Ang natatandaan ko lang dyan Cely, ay binigyan nila at may request binigyan nila ng 100 million ang Aurora State College.
DWIZ: Opo
SEJA: Bakit ang Aurora State College, sapagkat ang Aurora State College is an agriculture, fisheries and forestry college.
DWIZ: Hmmm…
SEJA: Nandun yung mga expert sa fisheries, sa agrikultura at forestry upang makalikha at mapalakas ang aming marine culture namin, ang aming coconut industry, dairy kaya nabigyan through the Aurora State College at sila ang nag-supervise, nagtrain sa mga kooperatiba, mga farmers na tumanggap ng ayudang ‘yan. Iyan lang ang natatandaan ko, 100 yun.
DWIZ: Hmmm…
SEJA: Yung sinasabi nilang 200 for…for improvement of access road of Baler -Casiguran , hindi ko natatandaan yun eh…
DWIZ: Hmmm…
SEJA: Oo, oo… Hindi ko matandaan…At kung sakali mang totoong…
DWIZ: Hmmm….
SEJA: na, na source ‘yan, na source ng DA out of ACEF, edi bisitahin nila yung Baler Casiguran, Alam mo bago naming tinulungan ang Aurora, Cely…yung
DWIZ: Opo
SEJA: mula sa Maynila hanggang Baler takes 8 hours, almost 9 hours.
DWIZ: Hmmm…ngayon po?
SEJA: Nuong tinulungan ko through my PDAF and through the assistance given by government.
DWIZ: Oho.
SEJA: Ngayon ang biyahe sa  Baler is cut by half, 5 hours na lang. Yung Baler -Casiguran, bago naming tinulungan yan, nalagyan at na concrete ang buong kalsada at may napaka- gandang highway dyan, coastal highway ay it takes mga… siguro mga 7 to 9 hours bago ka makarating sa Baler…From Baler to Casiguran. Ngayon, 2 and a half hours or at most 3 hours.
DWIZ: Hmmm…so…
SEJA: Pero nga, Kaya nga, Tingnan mo yung mga bisita sa Aurora ngayon ay umaalis ng Aurora na gustong gusto nila ang Aurora. Nakita nila ang improvement sa infrastructure ng Aurora.
DWIZ: Oho.
SEJA: Sapagkat, Kami nga, Ako…lalo na ako yung aking pork barrel, talagang ginagamit ko sa kabutihan at sa imprastraktura.
DWIZ: Mmm..mmm..
SEJA: Oo…
DWIZ: So Senator Angara kung sakali man na ang inyong natatandaan na 100 million at kung may additional man na 200 million na napunta sa d’yaan inyong probinsya, inaassume nyo po na ito ay nagamit sa tama at napakinabangan ng mga intended beneficiaries po nito.
SEJA: Oo at iyong hiling ko sa DA na bisitahin nila ano? Bisitahin nila at kasama ng COA at tingnan nila ang outcome at performance ng proyektong iyon.
DWIZ: Ako maihabol ko lang Cel, yung ah…Senator, being one of the pioneers in Science and Technology, kumusta na po iyong Broadband Project ng DOST Senator.
SEJA: Maganda naman, maganda iyong naisp ni Secretary…ah…k’wan.
DWIZ: Montejo..                                               
SEJA: Montejo, sapagkat iyong Broadband, iyong paglalagay ng National Broadband sa Pilipinas ay mas mura pa halimbawa sa proposal nung mga Intsik nuon na naging scandalous ano. Ito ay kailangang kailangan natin upang magamit ang internet ng ating…ng lahat ng area ng agrikultura, yung remote sensing, sa paaralan para makapag- access ang mga bata saka mga teachers sa latest books, textbooks, research kung mayroon silang connectivity. Ito ay napaka importante ngayon, sa ngayong panahon dahil without the broadband, without connectivity ay parang illiterate pa rin tayo, at an gating internet penetration sa Pilipinas ay almost, the lowest….almost the lowest in the region. 20% lang ang penetration natin eh.20% ng population ang gumagamit ng internet. Ang karamihan pa nun sa internet café…oo
DWIZ: Pahabol ko lang po Senator, bilang author nga po ng ACEF, the mere fact na ito po ay pintagil muna pansamantala yung implimentasyon, iyong paggamit ng pondo para ditto dahil lumalabas nga daw duon sa pag-audit ng COA na yung ACEF was a failure pabor po ba kayo na isuspinde muna ito at tingnan kung nagagamit ng tama.
SEJA: payag ako ruon, pero para wala namang recrimination, walang benggahan kailangan, kung ako kay Secretary Alcala together with the…
DWIZ: Oho..
SEJA: …with the…oversight committee ng Agrikultura mag conduct talaga ng honest to goodness performance audit…
DWIZ: Oho…oho…
SEJA: At ngayon, out of that makikita natin kung ano talaga ang extent ng failure o kung may success stories din, sapagkat alam ko marami ring mga success stories riyan yung mga individual entrepreneur na talagang nag __(7:06)___ dahil nabigyan ng chief capital ng ACEF. Yung bang ganuon na hindi laging anecdotal, laging mag speculation tayo at ang nangyayari we are accusing people by insignation.
DWIZ: Hindi po ba duon sa budget hearing ng proposed budget ng DA for 2012 ay natalakay po itong tungkol sa ACEF?
SEJA:  Wala kasi ako nuong first hearing dahil umaattend ako ng konperensya sa Canada.
DWIZ: Ah…oh…
SEJA: At humihingi ako kay Senator Drilon ng second, second date kaya mayroong first scheduled public hearing ang Agrikultura. Iyan ay tatalakayin namin any of these days po iyan.
DWIZ: At Senator Angara kung ano man po ang naibigay na pondo dito po sa inyong probinsya under ditto sa 10 billion fund ng ACEF ma-ju justify po iyong pinaglaanan nito.
SEJA: Handa kami na ipakita kung ano ang resulta nun tanong lang kayo duon sa 100 kasi iyon lang na natatandaan ko eh, kung sakali man nakalimutan ko yung about 200 dahil hindi naman ako magrerecommend sa for farm to market roads eh. Kasi ACEF alam ko, although access road is an essential element of competitiveness, sa palagay ko sa initial k’wan, maghehesitate ako na mag recommend ng paggamit ng ACEF Fund para sa Kalsada.
DWIZ: Ahh….oh
SEJA: kasi for production ito eh, for production and processing eh.
DWIZ: Kung magkaroon po ng mga imbestigasyon sa usapin na ito dahil lumabas poi tong, parang pinalalabas na worse than the fertilizer scam, handa po kayong humarap ditto?
SEJA: Oo, hindi katulad nga nung k’wan na iyon, characterization na worst than the fertilizer fund, automatically , ini-equate nila na ito ay scam.
DWIZ: Oho…mayroon kaagad conclusion…
SEJA: Oo…Ah..so medyo dapat systematical tayo, ang performance audit para Makita din ng madala na itong ACEF ay partly successful, partly failure at kung saan tayo dapat improving ang administration ng ACEF para matuto naman tayo na imbes na nagbabangayan lang tayo nag aakusahan para pa nagiging partisan exercise ito. Importante ito eh, pagkain ito eh, Huwag na sana nating ilahok ang politika dito, mag concentrate tayo na pababain natin ang price ng pagkain sapagkat mula nuong isang taon hanggang ngayon 37% increase ang pagtaas ng lahat  ng kinakain natin eh, from rice to fish eh.
DWIZ: uhhhmm..uhmm..At panghuli na lang po Senator Angara, kayo po ba ay isa sa mga sumusuporta sa Senate Resoultion na nananawagan po sa Malacanang na i-defer muna ang naka ambang fare hike sa LRT at MRT at isuspinde din po ang pagpapataw ng VAT sa toll.
SEJA: Oo..Oo…Suportado ako ruon, suportado, hard times talaga Cely eh…naku nakikita na natin yan sa survey ng hunger, family and people who go to bed hungry… pataas ng pataas yan eh. How many people steal their food. So laganap ang paghihirap.
DWIZ: Oho, pero the mere fact na  Supreme Court po ang nag-rule na talagang dapat patawan ng VAT ang toll, pwede ho ba na pamamagitan lang ng  resolusyon ng Senado at Kamara ay masuspinde ang implimentasyon nito?
SEJA: Pwede, pwede yung implementation naman eh, administrative iyon Cely eh. Ang sinasabi ng Supreme Court iyong pagpapataw ng toll legal yan.
DWIZ: Oho..
SEJA: Hindi labag sa batas yan but between the legality at saka iyong implementasyon, ibang..dalawang bagay na nagkakaiba yan.
DWIZ: Naku, Senator Angara Maraming Salamat sa oras na ibingay ninyo sa amin ngayong umaga…
SEJA: Salamat Cely...Salamat.
DWIZ:  Iyan po mga kaibigan si Senator Edgardo J. Angara.

SEJA ON DZMM (SEPTEMBER 21, 2011)

NOLI DE CASTRO: (_____) at mg akaalyado na dating administrasyong arroyo at ah muling nakinabang din sa pondo si Sen. Edgardo Angara (_____) agricultural competitiveness and government fund or ACEF kung saan pinautang ang mga magsasaka at mangingisda upang mapataas naman ang kanilang kita batay sa auditing ng department of agriculture umabot ng tatlong daang milyon piso ang natanggap ng Aurora na home province in Angara sinabi naman ni agricultute Sec. Proceso Alcala na naka tanggap sya ng reklamo na humihingi ng kickback ang  mga official ng DA para ma aprubahan ang loan tinanggap din umano sa  panunuhol ang ACEF kung saan binibigyan ng pera ang mga official kapag natanggap na ang pondo maituturing umanoy itong plunder dahil mas malaki pa ito sa 728M pesos  na fertilizer fund scamp na kinasasangkutan  ng mg dating official din ng Department of Agriculture sa panayam naman ng DZMM teleradyo sinabi ni Sen. Angara na walang dapat (_____) ang kanyang pamilya at posibleng ang mga magsasaka at mangingisda lamang sa Aurora ang nakinabang talaga sa ACEF.
SEJA: (_____) marahil nakinabang ang ah aming pulisya sapagkat yang ACEF, yang ACEF is agricultural competitiveness fund. Yan ay talagang binibigay ng pagtulong sa mga farmer and fishermen para (_____) para ma impayable ang kanilang (_____).
NOLI DE CASTRO: Ang tinig po ni Sen. Edgardo Angara.
TED FAILON: Samantala kabayan agaw buhay pa rin ang dalawang binatilyong sangkot sa insidente (_____) sa loob ng SM City Mall sa Pampanga pati na rin sa ulo ng trese anyos na High School Student na itinago lamang sa pangalang Jake ang umanoy kanyang karelasyon na labing anim na taong gulang na si Jonathan bago nagbaril sa kanyang sentido lumalabas sa imbestigasyon na naka upo lamang sa ground floor ng SM Mall ang dalawa ng bumunot ng kalibre bente dos na baril ang trese anyos na binatilyo at binaril sa ulo ang  kanyang umanoy  karelasyon, love triangle at selos ang sinasabing motibo na naturang krimen, nakuha na rin ng pulisya ang contact number na sinasabing third party na isa ring lalaki nakakuha rin ang mga pulis ng isang suicide note sa trese anyos kung saan nakasaad na handa na syang mamatay kung sasama nya ang kanyang karelasyon, ayon naman kay mexico pulis  chief supt. (____) Santos na inaalam pa rin nila kung sino ang may ari ng baril na mayroong limang bala (_____).



SEJA ON DZRH (SEPTEMBER 21, 2011)

JOE TARUC: Senator, tungkol naman dito sa mga intriga at diumano’y mga kasong iniharap sa inyo…

SEJA: Dalawang bagay ito Joe. Yung kay palafox na nag-akyat sya ng isang habla against Apeco, at isinama nya ako kahit hindi ako member ng board ng Apeco, dahil hindi raw sya binayaran.

JOE TARUC: Nagtrabaho po ba sya sa Apeco?

SEJA: Kasi, (__) sya ng kontrata para sa master planning para maiplano ang Apeco at sya ay nakakuha ng P32 milyon. Binayaran sya ng P32 milyon. At ngayon, naniningil pa ng P8 milyon, bakit daw kulang? Samantalang nung ma-review yung kanyang isinabmit na masterplan, hindi naman pla masterplan kundi conceptual framework lang. Walang supporting engineering, water studies, so you cannot bid on his plan. At ito ay ni-reject ng tatlong government agencies. Dahil kung kailangang gawin nya, hindi nya ginawa duon sa --- bawiin daw yung ibinayad ng Apeco sa kanya dahil walang laman.

JOE TARUC: Inatasan ng husgado yang Apeco na bawiin yung kontrata?
SEJA: Bawiin yung ibinayad ng government corporate counsel. Tapos dinismis ng Apeco ang kanyang serbisyo dahil wala naman palang laman yung pag-aaral nya, e. ngayun, nung madimiss sya, kung ano ano na ang sinasbi nya. Inaatake nya ang Apeco personally, mga bintang na malisyoso, talagang libelous. At ang masama, ang sinasabi nya, yang site na yan ay mali. E, bakit hindi nya sinabi noong nag-submit sya ng master plan? Sinabi nya sanang, huwag dito sa site na ito, hindi ito tama, bago sya nangolekta ng P32 million. Hindi ba’t kalokohan yun, hindi ba’t talagang pandarambong na yan? Yan ang tunay na sitwasyon dyan. E, kami, confident. Ako talagang confident. Walang kabase-basehan yang habla nyang yan. Kundi parang in-extort nya ang Apeco na bayaran pa yung P8 milyon nya.
JOE TARUC: Senator, yung tungkol naman sa ACEF. Marami ang pumpuna na dapat itong repasuhin..kung hindi po ako nagkakamali, kayo po ang awtor ng programang ito na pang-agrikultura.
SEJA: Nung mid-90’s ano dahil ito ay parang safety net para sa mga farmers. Sapagkat binuksan natin ang ating agricultural market to world trade, to global trade. At matatalo tayo kung hindi competitive ang ating mga farmers kung wala silang suporta sa teknikal, sa (__), walang suporta sa irigasyon.
Wto..
SEJA: Na-ratify ng senado.. kinondisyon namin para magkaroon tayo ng safety net para sa ating mag magsasaka at mangingisda. Ang isang safety net nga dyan ay yung ACEF. Agricultural Competitiveness Fund. Ang layunin nyan ay upang mabigyan ng ayuda yung mga kooperatiba ng mga farmers at fishermen o yung mga individual entrepreneurs tulad ng mga babuyan, sa chicken, sa bangus, para kayanin nilang makipag-compete ..
JOE TARUC: At hind iisang tao ang may control sa pondo?
SEJA: Oo. Very representative ang composition nyan. Initially, pinagpasyahan namin, sapakat ito nga ay ayuda, e, na ito ay ibibigay sa mga grupong iyan, (__) grant. Pero siguro mga after three years, to five years, we decided na siguro maningil ng interest, commercial rate.

JOE TARUC: So, hindi na totally libre

SEJA: Oo. Nagkaron na ng interest. Kaya nung siansabi sa account na walang nagbayad, syempre duon sa mga grant, hindi ka umaasang maibabalik at babayaran yun. Ayuda yun, e. Assistance, hindi naman loan program yan. Ngayon, overall, failure daw ang ACEF. Medyo sweeping yung ganong conclusion, e. Siguro bago tayo umabot sa ganung conclusion, talagang ilista natin kung ano ang mga mas importanteng project mula day one hanggang ngayon. Ano naging successful at hindi naging successful.  Halimbawa kung sa 10 proyekto, anim ang naging successful, e, tagumpay yung programa. Hindi naman kaialngang `100 percent ang maging average, e. At saka ito ay ayuda, kung hindi babayaran, okay lang.

JOE TARUC: May collateral po ba pag mag aavail ng ACEF?

SEJA: Wala. Talagang tulong. (kung may collateral) e di parang pawnshop na rin yan. So, anong klaseng tulong yun? So, kailangan yung konseptong iyon, wag mawawala sa isipan ng mga nagrerenew. Kaya ipapanukiala ko yan sa DA, kay Sec. Alcala at sa oversight committee namin na magkaroon ng performance audit. Hindi lang financial audit, kung san pumunta ang pera. Ano na ang nangyayri. Kumbaga mula nang mabigyan ka ng grant, nagkaron ka ng (__) operation ng bangus. Halimbawa, bangus operator ka ng Roxas. Ano ang nangyari, lumago ba ang business mo? Kung ikaw ay mango producer sa Cebu at namimili ka ng mangga sa buong Pilipinas at dina-dry mo yan, lumaki ba ang business mo? Lumaki ba ang export market mo? Marami ka bang (__) dahil nabigyan ka ng tulong ng ACEF?

JOE TARUC: Would you know mga magkano ang pondong nailabas through ACEF?

SEJA: Maaring mga 10 bilyon na. That’s over ten years. Several administration yan. From pres. Ramos to Estrada,

JOE TARUC: Marami pong nagsasabi na mas maganda yan kesa sa pantawid gutom program…

SEJA: May nakikita kang resulta. Kaya nga ang sabi ko, at ito’y ipapanukala ko sa mga kasamahan ko, magkaron tayo ng performance audit, para itong mga haka-haka, itong mga insinuation – ito ang mga masama, e. – katulad ngayon, sa dyaryo, -- hindi lang Aurora ang nakinabang dyan. Maraming maliliit na probinsya ang nakinabang. At ang tanong nga, anong nangyari dun? San nyo inilagay yan? Kami naman, kami confident sa Aurora, dahil bawat piso na ginamit namin – yung mariculture, yung coconut coir, dati sinusunog lang yan, ngayon pwede nang ibenta.  At producer na rin kami ng bangus ngayon, ng lapu-lapu.

JOE TARUC: Exporter na yata kayo ngayon…

SEJA: Hindi pa naman. Pero exporter kami sa probinsya mo.

KAREN: Pero senator, ito pong mga nakinabang ditto sa ACEF, for example pos a Aurora, pwede naman pong Makita yung datos kung sino sino mga nakinabang…

SEJA: Halimbawa, Karen, yung sa coconut coir.. ito ay galing lang sa bunot. Yung bunot, sinusunog lang sa Aurora yan. Ngayon, kinukuha namin yan, dinadala sa isang factory, inaalis yung fiber. Pag naalis na yung fiber, ibinabalik mo sa pinagkunan mo sa coconut farm – ilalala ninyo yun. Alam mo kung magkano kinikita ng isang pamilya dito araw-araw? Malaki din.

KAREN: Pero senator, hindi naman po kikita dito ang mga pamilya kung hindi pa sila tinulungan ng ACEF.

SEJA: Ngayon, imbes na isang planta na lang, tatlong planta na. sa tatlong bayan.

KAREN: Ibig sabihin, umaasenso.

SEJA: Umaasenso. Samakatwid, yung isang planta, nakakatulong sa 100 pamilya. Automatic yan. Halimbawa, sa isang pamilya ay may anim na miyembro, o, edi 600 persons agad ang natutulungan mo.

JOE TARUC: Si Sec. Alcala ng DA, may ibinalita rin po sa amin na tulad din po ng coconut tree, ito raw pong puno ng mais ngayon, wala na raw natatapon. Mula sa busal, sa balat, hanggang sa tangkay ng mais. Ngayon daw po ay pinapakinanbangan na at mayroon daw pong project na gagawin sa isabela na itong tangkay daw po ng mais ay gagawing papel. So, instead pong pumutol ng puno, aba’y tangkay ng mais na lang ngayon.

SEJA: Perfect yan. Beneficiary ng ACEF. Wag ka na sumingil ng interest. Bigyan na ng grant yan. Nakita nyo ba yung mariculture sa amin? Dati, walang pakianbang ang aming karagatan, pero ngayon, umulan, bumagyo, meron kaming isda. Nakakapag-produce kami ng bangus ngayon.

JOE TARUC: Hindi naman po nagiging dahilan ng pagbaha ang pagkakaron ng mariculture project?

SEJA: Hindi naman Joe dahil ito ay sa dagat, e. at ito ay sa mga protected cove hindi sa open sea.

JOE TARUC: So, ano pa ho ang mga proyekto sa ilalim ng ACEF na naalala pa ninyo, dahil matagal tagal na rin yan, e.

SEJA: Yung gatasan. Nag-umpisa na kami sa 50 kalabaw at ngayon ay nasusuplayan na natin ang public market. Fresh milk. At ang plano nga namin, pag yung 50 iyon, at maging 200, at maging full blast na yan, magbibigay kami ng free milk drinking program, milk feeding program.

JOE TARUC: Siguro dapat i-orient natin ang gating mga kababayan lalo na ang sector ng pagsasaka na mayroong ganitong uri ng pondo na maaaring mapakinabangan.

SEJA: Napakagandang konsepto nito, Joe. At kung properly administered ha, at saka kelangan merong evaluation, monitoring and evaluation.  Ang role ng agrikultura sa kongreso, very important yan. They can give feedback sa DA. Kung anuman ang opening  ng ating agricultural market, highly criticized, so kailangan ng input ng mga elective officials.

SEJA: Sa lahat ng kapaligiran natin, whether the Japanese, Taiwanese or Korean or Malaysian or sa Indonesia, antaas ng status ng farmers – kahit sa Vietnam. Kaya nga sabi ko, itong mga haka-haka, magkaroon na talaga ng formal na performance audit, pagkatapos harapin na natin ang real issue sa ating bansa ngayon – ang tuamtaas na presyo ng pagkain. Dahil ang presyo ng pagkain natin ngayon, from rice to fish, Joe, ay tumaas ng almost 37 percent from a year ago. At patuloy ang pagtaas. Swerte nga tayo na nitong nakaraang taon, maganda ang weather kaya magand ang rice harvest natin. But still, tignan mo, mag-iimport ba tayo ng 1 million tons?

JOE TARUC: Kaya senator, umpisahan natin sa pinaka-basic, yung mga magsasakang walang anak ang gustung kumuha ng (___) agrikultura.

SEJA: Yan. Ang average (__) ay 64. Kaya nga ang Aurora, isa kami sa limang probinsya na nag umpisa ng rural high school.
 Bilang incentive, hindi ba natin maaaring umpisahan na ang lahat ng kukuha ng kursong agrikultura.

JOE TARUC: Pero senator, dapat isabay na natin, dahil nakapanayam po natin ang DOLE, sinabi po nila hanggang 2012, hindi maganda ang agri business, so itong mga nakikinig sa ating mga kabataan, sana mahikayat silang pag-aralan ang agrikultura.

SEJA: Alam mo nung budget hearing nga ng DOLE, yan ang inemphasize nga namin ni Frank Drilon. Na kailagang, magkaoron tayo ng manpower mapping. Sapagkat hindi alam ng mga bata, kaya may mismatch sa kinukuha nilang kurso, saka sa mga trabahong available – ano ba mga trabahong available—agri business. Andaming bakanteng puwesto dyan, food processing, food packaging. Dyan sa food packaging lang, andaming bakante. E, bakit bumabagsak ang enrollment sa agrikultura? Kaya ang sabi namin, gumawa kayo at ire-revise namin yan. Ikalat natin yan sa lahat ng unibersidad sa Pilpinas kahit sa high school.

JOE TARUC: Mukhang pinag iinitan kayo ni Palafox dahil kaliwa’t kanan ang demanda sa inyo…

SEJA: Eh, daihl nga nadismiss na master planner dahil bulok naman yung sinabmit nyang master plan. Pano akala yata nya makakabawi sya, e kung mag iingay sya ng ganito. Ganyan ang taktika nya, e. (30)


SEJA ON RADIO INQ (SEPTEMBER 21, 2011)


Hihingian ko lang kayo ng reaksyon senator, sapagkat muli na naming nagiingay ang arkitekto na umano’y sinibak ninyo ditto sa Apeco at sa muling pag-iingay po ay kayo na mismo ang sinampahan ng kaso, Senator.

Hindi naman ako mismong idinemanda, dahil hindi naman ako member ng board ng Apeco. Yan kasi, nagsumite yan ng trabaho na walang laman. He was contracted as master planner ng Apeco. Samaktwid, pag master planner ka, pinag aaralan mo yung soil, yung water, yungl location, at gumagawa ka ng mga technical studies at pag-submit mo ng master plan na iyan, pwede nang magtayo ng mga building o ng kung anumang kailangang gawin. Itong si palafox ay napiling maging master planner dahil ang representasyon nya ay magaling na master planner, urban planner daw sya,  arkitekto. At nagsubmit sya ng report nya na binayaran sya ng P32 million. Tinanggap nya ang P32 million at may balance pang P8 million. Yung trabaho nya ay isinumite ng Apeco sa civil aviation sapagkat merong proposal na airport. At isinumite rin sa Philippine ports authority sapakgat meron ding proposal na magkaron ng seaport. Ang ginawa nitong si Palafox, pinagdikit nya yung seaport at airport. Ang sabi ng CAAP at PPA, hindi ito puwede. Kung hindi magka-crash ang eroplano at hindi rin makapag ooperate ang seaport sapagkat yung mga trains nila ay magiging hazard sa aviation. So, nireject nila yan. At para matiyak na tama ang paninindigan ng board, humingi sila ng opinion ng government corporate counsel. Ayun, tama nga. Ayon sa corporate counsel, itong pag-aaral na ito ay walang laman sapagkat hindi supported ng engineering at hydrology study – yung sa water.

senator, sabi nyo, hindi naman kayo miyembro ng board, pero bakit ho kayo ang kinasuhan?

Kasi nga, itong si Palafox, publicity seeker lang yan, e. magaling syang publicity seeker at ikinakalat nya na magaling daw sya, internationally well-known. E, kugn ang kakasuhan nya ay ang members ng board at hindi nya ako isasama, maaaring iniisip nya na hindi siya magiging prominent.  Baka hindi mapansin (yung kaso). Kaya ganyan ang thinking nya, dahil gianwa na nya yan sa lahat ng project nya dito sa Pilipinas.

E, talaga hong master planner.

Evil planner.  Self-promoter lang yan, e. Ang yabang yabang, kilalang kilala daw sya sa buong mundo. Alam mo, kung tatanungin mo yung lahat ng nakakakilala sa kanya ditto sa Pilipinas at napagtrabahuhan na na nya, napakababa ng respeto sa kanya. Kami, mababa rin respeto naming sa kanya sapagkat giangamit na nya, unfortunately itong media, para mai-promote ang sarili nya, ginagamit ang ombudsman para maningil ng hindi dapat bayaran sa kanya.

Magkano pa ho ba yung pinag uusapang sisingilin ditto?

P8 million pa. bale P40 million, nakuha na nya yung P32 mllion, e.  tignan mo? Binayaran sya ng P32 million, edi parang ninakawan nya ang mamamayan ng Aurora dahil yung gianwa nyang trabaho, hindi pala magagamit.

Senator yung kanyang trabaho .. (__), kung tutuusin diba yung P32 million hindi ba pwedeng bawiin yun?

Yun nga ang kinaso sa kanyang ngayon. Kailangang ibalik nya yung P32 million, dahil sabi ng government corporate counsel, kailangang mai-refund. Walang basehan yung maningil itong si Palafox.

Pero ayaw ho ibalik?

Ayaw nya. Pati nga ako hinabla pa nya.

Bakit po umabot pa sa pagbabayad ng P32 million bago ho nagkaroon ng ebidensya?

Dahil kampanteng kampante siguro yung board at yung management na hindi sila lolokohin ng isang taong nagsasabi na sya ay internationally recognized planner.

Yung sinasabi ho nya, yung issue po nya rito, yung binabanggit po ninyong plano, yung master plan, yung lugar po doon na target talaga na pagtayuan ng Apeco ay hindi naman ho talaga uubra.

Bakit nga hindi nya sinabi sa Apeco? Bakit nag submit pa sya ng master plan na wala naman palang laman.

Wala ho ba dun , yung kiniclaim nya sa ombudsman ..
Wala dun sa recommendation nya na ito ay wala dapat ditto.
Ito na lang lumabas yung sinasabi nya na hindi dapat pagtayuan ng Apeco yung lugar kung saan nakatayo ngayon
After quote na lang yan. Jina justify nya siguro ngayon na hindi sya ang mali, kundi kami. E paanong ilalagay namin yun kung hindi sinunod ng Apeco yung initial plan nyan na nung mag-umpisa nang mag construct ng mga building, e natuklasan nilang wala palang engineering studies.

Tsaka sa simula pa lang, sa bidding process pa lang, yung Palafox and associates, isang malaking kumpanya, kaya kahit paano siguro, meron din silang alam dun sa lugar, e, hindi pa rin nila binanggit at nakipag-bidding pa rin sila.

Tama. Dun pa lang sana, part na ng selection of (__). Hindi ba’t ganun ang trabaho ng master planner, kaya nga tinatwag syang master, e. E, bulok pala, e.

So, pano pong gagawin ninyo ditto? Kayo naman po dapat ang may master plan ngayon, senador

Ditto, hindi na ako nagpplano dyan, e. Apeco na, e. kaya yang si Palafox, may hinaharap yan sa professional regulation board, na matanggal ang kanyang lisesnya bilang architect at bilang urban planner. Dahil nga sa gianwa nya sa Apeco at sa iba pang mga proyekto. Kumbaga sa abugado yan, may disbarment yang taong yan. Kaya nga siguro, he’s resorting to all kinds of tactics like filing an ombudsman case even including me na hindi naman ako member ng board. At bukod dun, marami pang civil and criminal case na nakapending laban sa kanya.

E tungkol naman po dito sa P10-B ACEF na inawtor po ninyo na napunta lang daw po sa wala.

Ang alam ko ha, at ako ang nag-create nyang ACEF, e. Agricultural Competitiveness Fund. Itong ACEF na ito ay kinokoletkta natin sa maliit na porsyento sa lahat ng importasyon. kung mag-iimport ng wheat, mababawasan ng (__) percent yan, mapupunta sa competitiveness fund. Mag iimport ka ng meat sa Australia, sa America, ganun. Tuluy-tuloy yan. Ang layunin nito, ay upang tulungan  nga ang mga fishermen and farmers na tumaas ang kanilang agricultural production. Kaya nga ang tawag competitiveness, e. at ito ay ibinibigay ng DA at ng isang komisyon under DA, ina-award nila yan sa mga applicants either probinsya or state college or cooperatives, para matulungan sila either as grant o kaya may interest pero mababa.

So, hindi po necessarily mga farmers lang ang dapat makinabang sa ACEF

Hindi. Kahit yung mga may pioneering business enterprise na mga businessman, tinutulungan nito. Halimbawa, yung mango industry ng Cebu, matutulungan sila nito sa processing ng dried mango. Yung mga bangus raiser ng Capiz, at ng Aklan, natulungan ito ng ACEF sa processing ng bangus, boneless bangus, for export or for local market. Kaya naman, tignan nyo, ang ating production, ay tumaas mula nang i-introduce natin itong competitiveness fund.

Pero senator, are you privy sa P10-B daw na inilabas para ditto sa ACEF, pero siansabi na hindi raw ho nagamit ng tama at ilan sa mga nakabilang na probinsyang nakinabang ditto ang Aurora, Senator.

Maaaring nakatanggap ang probinsya ng Aurora. Pero yung natanggap namin sa ACEF, na natatandaan ko, ito’y ibinigay sa Aurora State College, tinulungan ang fisherfolks, ang mga livestock farmers na makapagtayo ng mariculture farm, ng coconut coir livelihood program, at ng maliit na dairy. Kami, mai-aaccount namin in full yung tinanggap namin at kung saan nailagay yung ACEF fund na inaward nila sa Aurora.

Yung binabanggit ho ninyo, maaari, base ditto sa report, kayo mismo daw ang nag recommend ng pagrerelease ng P200-M para sa pagsesemento ng Casiguran-Baler-Aurora.

Ipakita nila sa akin yun, dahil hindi ko natatandaan na nagpa-release kami o ako. Ano, ni-recommend ko as a Senator? I must have written the secretary of agriculture na, please release this amount to help access road to Aurora, kung talagang totoo yun, a. Pero, wala akong natatandaan na ako’y nag recommend kahit sa probinsya ko na mag-release  ng ACEF fund for access road – ang alam ko dyan, ako ay nag-recommend sa (__) ng Aurora na makahingi sa ACEF for livelihood projects.

Bukod po ito sa hinihingi ninyo na eskwelahan.. yung binabanggit po ninyo na doon napunta yung..

ASCOT.  Aurora State College. Dahil ang ASCOT, andun ang mga trained personnel, agriculture college, forestry college yun, e. Andun ang mga experienced agriculturists and forester at sila ang makakatulong sa mga farmers at fishermen  kung paano gamitin yung ACEF fund.

So ang pagkakaitnndi po ninyo, merong na-release na pondo para dun sa eskwelahan – wala ho kayong alam tungkol dun sa farm-to-market road, yung Casiguran – Baler road.

Hindi ko alam. Hindi ko natatandaan na ako’y nag-recommend dahil hindi naman ako ang nag-recommend nyan.

So, are you challenging senator ang DA na maglabas ng ebidensya dahil isa po kayo sa mga pinangalanan na diumano’y nagrekomenda raw ng mga ganitong klase ng proyekto.

Beneficiary?

Maaari. Baka ang tinutukoy ditto sa report, Mr. Senator, yung panahon ninyo sa Agriculture Department.

Hindi. Dahil nuong nanduon ako, lahat yan documented yan. At kahit ngayon, documented at maipaliliwanag ng Aurora State College ang utilization ng ACEF Fund na tinanggap nila. Walang kalokohan dyan. Kaya kailangan, yung mga insinuation na ganito, kailangan handa silang maglabas ng ebidensya.

Ang burden of proof, nasa kanila po senator?

Oo. I will cooperate. My office will cooperate personally na ipaliwanag at i-account kung anuman ang naibigay ng ACEF fund sa Aurora. Walang issue dun, e.
 So, pagpapaliwanagin po ninyo ditto ang DA o kayo mismo ang susulat sa kanila?

Syempre naman. Dahil unfair naman sa pangalan namin at unfair naman sa Aurora na may insinuation na parang nawaldas lang itong pera na ito at hindi nagamit sa tamang paraan.